Pribatisasyon ng gobyerno, para kanino?

Agresibo ang gobyerno ngayon sa programang pribatisasyon upang makalikom diumano ng dagdag na pera pantustos sa mga gastusin nito.  Malaking pinatutunguhan ng pondo ng gobyerno ay para lamang sa utang nito na umaabot na sa P3.8 trilyon. Sa laki ng utang, pinakamalaking alokasyon sa kinikita maging ng kabuuang pondo ng gobyerno ay pambayad lamang dito.  [...]