Ang GRP-MILF Memorandum of Agreement (Unang bahagi)

Ang mga sumusunod ang inisyal na nilalaman ng kasunduang muntik nang mapirmahan kung hindi dahil sa Temporary Restraining Order (TRO) na inilabas ng Korte Suprema:

 

Konteksto ng Kasunduan:

Mga kasunduang pangkapayapaan, pagtigil ng alitan sa pagitan ng gobyerno at ng puwersa ng mga Moro, ganundin ang mga legal na batayan sa pagkilala sa mga katutubo. Kasama rito ang kasunduang pinirmahan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Moro National Liberation Front sa Tripoli, Libya noong 1976 at ang pinal na kasunduang pinirmahan noong 1996 upang ipatupad ang nasabing kasunduan. Kabilang rin ang Tripoli Agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga sumunod pang kasunduang pangkapayapaan ng dalawa;  Mga internasyunal maging nasyunal na deklarasyon at batas nagsasaad ng karapatan ng mga katutubo; Batas sa bansa na nagtatatag, nagtitibay, at nagpapalawak sa Autonomous Region in Muslim Mindanao;  at  ang pagpapatibay sa karapatang pumasok sa mga kasunduan o compact na nagmula sa rehimeng  dar-ul-mua’hada (o teritoryo sa ilalim ng isang kasunduan) at  dar-ul-sulh (o teritoryo sa ilalim ng isang kasunduang pangkapayapaan o“peace agreement“ ) na isang bahagi ng nature ng treaty device.

 

Nagkakasundo ang gobyerno at MILF sa mga sumusunod na konsepto at prinsipyo:

1. Karapatan ng mga Moro at mga katutubo ng Mindanao ang kilalanin ang kanilang sarili at tanggapin sila bilang “Bangsamoros,” o mga katutubo o orihinal na naninirahan sa Mindanao at karatig isla nito kasama na ang Palawan at arkipelago ng Sulu noong panahon ng kolonisasyon ng kanilang lahi, puro man ito o may halong ibang dugo/lahi.

 

2.Mahalaga ang pundasyon ng lupang tinubuan ng Bangsamoro sa pagtugon sa mga  pangkarapatan at pang-ekonomiyang pangangailangan ng mga tao doon gayundin sa kanilang pulitikal na hangarin. Ang teritoryong nasasakupan ng kapangyarihan at iba pang nabanggit na lugar bilang natural na yaman at patrimonya ng Bangsamoro ay kumakatawan sa sosyal, kultural, at pulitikal na identitad at prayd ng Bangsamoro. Nasa kanila ang eksklusibong pagmamay-ari sa kanilang lupang sinilangan sa bisa ng kanilang karapatan bilang naunang mga nanirahan sa lugar bago pa man ang kolonisasyon sa kanilang lugar (prior right). 

 

3.Ang kanunu-nunuang sakop ng kanilang kapangyarihan o lupain (ancestral domain) ay hindi bahagi ng pampublikong lupain (public domain) at sinasakop nito ang ancestral, komyunal, at customary na lupain, ang karagatan at mga likas yamang narito sa bisa ng kanilang ancestral rights batay sa kanilang katutubong titulo.

 

4.Ang karapatan sa sariling-paggugobyerno o pamamahala ng Bangsamoro ay nagmumula sa ancestral territoriality na unang ipinatupad sa ilalim ng kapangyarihang nariyan na sa kanila bago pa man ang kolonisasyon (suzerain authority) na nagmula sa mga sultan at ng Pat a Pangampong ku Ranaw. Ang gobyerno at MILF ay kinikilala na ang dulong layunin ng pagpapalakas/pagpapalawak sa lupang tinubuan ng Bangsamoro bilang isang teritoryo ay upang siguruhin ang kanilang identitad at posteridad (posterity), protektahan ang kanilang karapatan sa ari-arian at sa likas-yamang naroroon, at itatag ang sistema ng pamamahala na angkop at katanggap-tanggap sa kanila bilang natatangi at nakararaming naroroon na mga tao.

 

5.Muling pagsang-ayon sa commitment na parehong kikilalanin ng isa’t isa ang karapatan ng bawat isa sa identitad at sa pantay na kinatatayuan ng bawat isa sa isang pulitikal na komunidad. Ang proteksyon ng karapatang civil at kalayaan ng indibidwal sa kanyang relihiyon ay batayan sa kapayapaan at katarungan sa kabuuan ng kanilang relasyon sa isa’t isa.

 

6.Ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE) ay may kapangyarihan sa Ancestral Domain at Ancestral lands, pati sa alienable at non-alienable lands na nakapaloob sa kanilang lupang tinubuan at katutubo o kanunuang kasaysayan (ancestral history), ganundin ang limitasyon o hangganan (delineation) sa ancestral domain/lands ng Bangsamoro people na naroon.

 

Ang karapatan sa ari-arian na ibinigay sa Bangsamoro sa pagpapalawak ng BJE ay kikilalanin at rerespetuhin na may pagsaalang-alang sa ika-9 na talata ng  seksyon ng MOA tungkol sa “resources.”

August 14, 2008

Isang Tugon

  1. i think the filipino muslims should consider their nationality before their religion.

Mag-iwan ng Tugon