(Nakatatlong pagdinig na sa Korte Suprema tungkol sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD), kasama ang oral arguments, mula nang maglabas ito noong Agosto 4 ng TRO upang ipatigil ang pagpirma ng gobyerno sa kontrobersyal na Kasunduan. Sa pagdinig noong Agosto 29, binigyan ng Korte ng 20 araw ang nagsampa ng kaso at ang gobyerno upang magbigay ng buod ng kanilang posisyon sa kaso. Hiningi rin nito kay Solicitor General Devanadera, tagapagtanggol ng gobyerno, na isumite ang opisyal na pahayag mula sa Malakanyang na nagpapatunay na hindi na pipirmahan ng gobyerno ang MOA, ang awtoridad sa pagbiyahe ng government panel sa Malaysia noong Agosto 5 upang pirmahan sana ang MOA, at ang final draft ng MOA.)
Ang seksyon sa Teritoryo ang isa sa kontrobersyal na nilalaman ng draft MOA noong July 27, 2008:
1. Ang tinutukoy na Bangsamoro homeland at ang makasaysayang teritoryo nito ay ang mga lupain, karagatan, at kalawakang bumubuo o napapaloob sa rehiyong Mindanao-Sulu-Palawan. Subalit, may mga limitasyon dito ayon sa napagkaisahang iskedyul o mga kategorya. Tungo dito, ang gobyerno ng Pilipinas at ang MILF ay pumapasok sa sumusunod na istipulasyon:
· Maninindigan sa buo at pareho nilang pagpapatupad ng framework agreement sa teritoryo sa layuning maayos ang mga isyung nagmumula sa mga pinagkaisahang punto sa Ancestral Domain.
· Pagkumpirma sa kanilang pagkakaunawa na ang pareho nilang gustong abuting kasunduan sa teritoryo ng Bangsamoro partikular sa pagtukoy sa mga hangganan o boundary nito na makakaapekto sa mga lokal na yunit ng gobyerno ay patutungo sa konsolidasyon ng napagkasunduang teksto sa Ancestral Domain Strand.
· Pagkumpirma na ang sentro ng BJE ay syang bubuo sa kasalukuyang sakop ng ARMM, kasama ang mga munisipalidad ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sa probinsya ng Lanao del Norte na bumoto noong plebisito noong 2001 na mapabilang sa ARMM.
· Sa loob ng 12 buwan matapos mapirmahan ang MOA-AD, magkokondukta ng plebisito ang gobyerno para sa mga lugar na nakalista sa Category A o Annex ng MOA na bahagi ng framework agreement nang hindi binabago o ibinababa ang ibang mga rekisito ng naunang mga kasunduan. Tungo dito, sisikapin ng parehong partido na matapos ang negosasyon at maresolba ang mga isyu sa Comprehensive Pact sa loob ng 15 buwan mula sa pagkapirma ng MOA-AD. Ito ang nakapaloob sa Category A (ayon sa website ng MILF, at batay sa 2000 census):
SENTRO NG BJE – kasalukuyang erya ng ARMM at 6 na nabanggit na munisipalidad ng Lanao del Norte;
REGION IX. Buong Isabela City; Zamboanga City (Sacol Island) – Busay, Landang Gua, Landang Laum, Manalipa, Pasilmata, Tegtabon; Zamboanga del Sur – Dinas – Benuatan, East Miagpulao, Lucoban, Nian, Pisa-an, Sambulawan, Songayan, Tarakan; Zamboanga Sibugay – Mabuhay – Bangkaw-Bangkaw, Caliran, Pamansaan, Taguisan, Tandu-comot;
REGION X. Lanao del Norte –Bacolod – Babalayan Townsite, Dimarao, Pagayawan, Punod (Maliwanag) –, Iligan City – Digkilaan, Dulag, Hindang, Kalilangan, Lanipao, Mainit, Panoroganan, Rogongon –, buong Kauswagan, Kolambugan – Bubong, Lumbac, Matampay, Pagalungan, Pantaon, Small Banisilan –, buong Linamon, buong Magsaysay, Maigo – Inoma –, buong Matungao, buong Pantao Ragat, buong Poona Piagapo, buong Salvador, buong All Sapad, buong Sultan Naga Dimaporo, Tubod – Baris (Lumagculab); Bukidnon – Kalilangan – Panotolan;
REGION XII. Buong Cotabato City; Cotabato (North Cotabato) – Alamada – Dado, Guiling, Lower Dado, Macabasa, Mapurok, Pigcawaran; Aleosan – Dunguan, Lower Mingading, Luanan, Malapang, New Panay, Pagangan, Tapodoc; Banisilan – Gastay, Banisilan Poblacion, Busaon, Capayangan, Carugmanan, Kalawarig, Kiaring, Malinao, Miguel Macasarte, Pantar, Paradise, Pinamulaan, Poblacion II, Solama, Thailand, Tinimbacan, Timbao-Camalig, Wadya; Carmen – Aroman, Cadiis, General Luna, Katanayanan, Kibenes, Kitulaan, Langogan, Lanoon, Lumayong, Macabenban, Manarapan, Manili, Nasapian, Palanggalan, Pebpoloan, Tambad, Tupig; Buong Kabacan; M’lang — Dagong, Dungo-an, Gaunan; Matalam — Arakan, Central, Malamote, Ilian, Kidama, Kilada, Manubuan, Marbel, Patadon West, Poblacion, Taguranao, Tamped (Tampad), New Abra; Midsayap – Lomopog, Central Labas, Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kapinpilan, Kudarangan, Macasendeg, Malingao, Mudseng, Nabalawag, Nes, Olandang, Rangaban, Salunayan, Sambulawan, Tugal, Tumbras, Upper Labas; Pigkawayan – Balacayon, Banucagon, Bulucaon, Buricain, Central Panaten, Datu Binasing, Datu Mantil, Kadingilan, Libungan Torreta, Lower Baguer, Lower Pangangkalan, Malagkit, Matilac, Midpapan II, Patot, Payong-payong, Simsiman, Tubon, Upper Baguer (Baguer), Upper Pangangkalan; Buong Pikit; President Roxas – Salat; Tulunan – Bacong, Daig, Damawato, Dungos, Galidan, Magbok, Popoyon; Sultan Kudarat – Buong Bagumbayan, Columbio, Esperanza, Kalamansig, Lambayong, Lebak, Lutayan, Palimbang, President Quirino, at Sen. Ninoy Aquino; Isulan – Bual, Lagandang, Laguilayan; at Palawan – buong Balabac at Bataraza.
Inihanay sa: POLITICAL ISSUES | Minarkahan: Bangsamoro Juridical Entity, GRP-MILF Agreement, Memorandum of Agreement on Ancestral Domain, MILF, MOA-AD, Territories under BJE